Isinailalim na sa lockdown ng mga awtoridad ang bayan ng Jolo sa Sulu matapos ang kambal na pagsabog dito.
Dahil sa lockdown simula ngayong araw na ito, tanging ang mga police officers lamang, service men at government officials ang maaaring makapasok ng Jolo.
Pinaigting pa ang seguridad sa buong lalawigan sa pamamagitan ng mga checkpoints at pagsasailalim sa Sulu sa high alert status.
Ipinatutupad din ang high alert status sa mga lungsod ng Isabela at Lamitan sa lalawigan ng Basilan.
Kasabay nito, nagpakalat na ng mga pulis at sundalo sa iba’t ibang simbahan, tanggapan ng pamahalaan at ibang pang pampublikong lugar sa mga nabanggit na lugar.
Pinalalahanan ang mga residente na manatiling kalmado bagama’t kailangang maging alerto at nakabantay sa sitwasyon.
Agad ipaalam sa mga awtoridad sakaling may makitang kahina-hinala o kaduda-duda sa kanilang lugar.
—-