Dakong Alas cuatro y media (4:30) ng umaga, naganap ang isang malagim na aksidente sa National Highway sa Barangay Cali, Bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Agad namang rumesponde ang kapulisan ng Dingras MPS sa napaulat na aksidenteng kinasangkutan ng motorsiklo na walang plaka na minamaneho ni Ali Chreim y Villaluz, 20 taong gulang at kinakasama nitong si Jade Suniga Tolentino, Labingwalong (18) taong gulang at isang Grade 12 student. Ayon sa Imbestigasyon ng Pulisya, habang binabagtas ng mga biktima patungovsa timog na direksyon nadulas ang kanilang minamanehong motorsiklo sa matarik na kurbada at bumangga sa isang puno ng malunggay.
Agad na isinugid ang mga biktima sa Dingras District Hospital para laparan ng atensyong medikal, sa kasamaang palad, Dead on arrival si Villaluz ayon sa Doktor ng nasabing pagamutan na si Dr. Catherine Damaso. Samantala, nagtamo ng sugat sa kaniyang labi at pasa aa mukha si Tolentino, siya ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center para sa karagdagang gamutan, hindi pa matukoy ang danyos ng pinsalang natamo sa ginamit nilang motorsiklo.