Barangay And Drive Thru Vaccination Para Sa Mga Drivers Aarangkada Sa Naga City

0
156
Naga City – Aarangkada ngayong linggo o di kaya ay darating na weekend ang Barangay at Drive Thru Vaccination sa Naga City.
Binuo na ng LGU Naga ang team na mangunguna sa Barangay Vaccination lalo na sa mga malalayong komunidad sa lungsod.
Mayroon namang para sa Drive Thru Vaccination para sa jeepney drivers, nagta-tricycle, padyak drivers pati mga delivery riders. Inihayag ni City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, nais ng City Government na maging sektoral na rin ang pagbabakuna. 800-1, 000 drivers at riders ang target mabakunahan kontra COVID-19 sa unang batch ngunit depende pa rin ito sa supply ng bakuna, City Hall Compound ang inihahandang venue.
Pagpupunto ni Reondanga, mahalagang bakunado ang mga driver upang mapataas din ang tyansa na hindi nila mahawaan ang pasahero o hindi sila mahawa ng pasahero.
(Source: Bicol News | Brigada News Naga)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here