Banggaan ng Senado at Kamara sa isyu ng national budget muling sumiklab

0
64

Bahagi umano ng patuloy na panggugulo ng Kamara sa tunay na issue sa 2019 national budget ang akusasyon ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na sinabotahe umano ng Senado ang mga infra project ng administrasyon dahil sa pagtapyas sa budget ng ilang mahalagang proyekto.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, huling pagtatangka na ito ng Kamara upang guluhin ang tunay na issue sa 2019 national budget para mapigilan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang ginawa umanong illegal re-alignment ng Kamara sa pambansang pondo.

Mismo anyang mga kapwa nila kongresista ang naka-a-alam sa ginawang re-alignment sa mababang kapulungan ng Kongreso kahit niratipikahan na ang bicameral report.

Gayunman, tiniyak ni Sotto na hindi uubra ang mga ganitong panggugulo sa issue at palusot ng kamara dahil batid ng pangulo ang iligal na ginawa nila sa panukalang pambansang budget.

(with report from Cely Ortega- Bueno)