Friday, May 17, 2024

Bandang Ben&Ben, maglalabas ng kanilang first time ever international single

- Advertisement -

Posibleng mag-release ng kanilang first time ever international single ang bandang Ben&Ben kung saan mayroon umano itong hugot hinggil sa ipinatutupad ngayong enhance community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ginawa ng banda ang deklarasyon sa kanilang twitter account makaraang masungkit nito ang 29th spot sa Global Billboard Social 50 chart.

Ayon sa grupo, sa ngayon, ito ang kanilang pinakapaboritong awitin dahil sa may halo itong kalungkutan ngunit punong-puno naman ng pag-asa.

Maliban doon mayroon pa umanong sinusulat na komposisyon ang banda na may titulong “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” na may kaugnayan rin sa nararanasang krisis pangkalusugan ng bansa at maging ng buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -