Friday, May 3, 2024

Bagyong Jenny nakalabas na ng PAR — PAGASA

- Advertisement -

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jenny.

Ayon sa PAGASA, ganap na 2:00PM nang tuluyan nang makalabas ang bagyo kung saan tinatahak nito ang direksyong patungong China at inaasahang tatama sa Vietnam pagdating ng weekend.

Gayunman, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-uulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, Romblon at Palawan dala ng hanging Habagat.

Samantala, isa pang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na posibleng pumasok sa bansa sa weekend at posibleng maging bagyo na tatma sa Hilagang Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img