Napanatili ng bagyong ‘Falcon’ ang lakas nito bagamat nag-iba ng direksyon.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Falcon ay natukoy sa silangang bahagi ng Tuguegarao at bukas ay tinatayang nasa 235-kilometro silangan, hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.
Ang bagyong Falcon bukas ng hapon o gabi ay pinakamalapit sa kalupaan via Batanes at Babuyan Group of Islands area.
Posibleng lumakas bilang tropical storm ang bagyong Falcon hanggang bukas ng umaga o sa susunod na 24-oras.
Ang public storm signal no. 1 ay nananatili sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Northern Isabela partikular ang District 1 at 6.
Sa Biyernes, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Falcon.