Baguio City – Ang Baguio City Police Office (BCPO) ay hindi na nila ipapatupad ang traffic re-routing scheme sa kahabaan ng Naguilian Road at sa iba pang kalapit na mga daan na patungo sa mga pampublikong libingan sa paggunita ng Todos los Santos o ang All Saints’ Day at Araw ng mga Kaluluwa o All Souls Day dahil sa ang mga dalan ay itinalaga sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan papunta at pabalik mula sa mga sementeryo sa mga nasabing petsa. Ito ang sinabi ni Capt. Mark Botangen, ang deputy chief ng BCPO–Traffic Enforcement Unit (TEU).
Kasabay nito ay ang mahigpit na pagpapatupad sa drop-and-go sa mga roadline para sa mga nagnanais na bumisita sa sementeryo sa nasabing mga petsa. Kanya ring sinabi na ang BCPO ay nagsagawa na ng traffic simulation sa kahabaan ng Naguilian road at ng iba pang kalapit na mga daanan at napag alaman na ang pinakapunong daan ay kayang kaya nito tumanggap ng pagdami ng mga motorista papunta at pabalik mula sa sementeryo kung tutuusin ay itinalaga ito na maluwag para sa two-way traffic flow.
Gayon pa man, sinabi ng BCPO deputy traffic chief na ibibigay na konsidersyon sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na hindi makapag lakad ng malayo ngunit ito ay possibleng mangyari sa pamamagitan ng drop-and-go scheme ngunit ang babaan o drop off point ay malapit sa gate ng sementeryo.
Ang isang bahagi ng Naguilian road ay maaring one-way parking, Ayon sa kanya may mga 40 available parking slots sa kahabaan ng Naguilian road ngunit sa pamamagitan ng first come, first serve basis.
Sa bahagi ni BCPO City Director Police Col. Francisco Bulwayan, Jr. ang namamahala ng Baguio Memorial Park ang nag alok ng kanilang parking space ay para lamang sa mahigit na 200 behikulo.
Anya ang pamunuan ng memorial park ay bibigyan lamang ng pansin ang mga bibisita sa mga may nakalibing sa kanilang lugar bago nila tanggapin ang motorista na papunta sa pampublikong sementeryo sa pamamagitan ng first come, first serve basis.
Kanyang binigyang diin na upang hindi makaranas ng mabigat na trapiko ay maglakad na lamang o kaya sumakay ng pampublikong sasakyan sa pagpunta at pabalik mula sa mga sementeryo upang hindi na makaranas ng hirap lalong lalo na kung walang pagparadahan ng kanilang sasakyan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office)