Baguio: To’wing Falls sa bayan ng Sablan, Bengeut nananatiling nakasara para sa mga bisita

0
1

Sablan, Benguet – Nananatiling nakasarado ang “To’wing Falls” sa Sablan, Benguet dahil lamang sa pagkalunod ng isang lalaki doon noong nakaraang linggo na nagdala ng kanyang kamatayan.

Ayon kay Sablan Mayor Alfredo Dacumos Jr., sa kasalukuyang sinusuri ang mga “safety protocols” upang maiwasan ang kaparehong insidente.  Kasama dito ang “safety protocols” na mahigpit na isasagawa nila at ang pagbabawal ng pagdala ng alak sa pagpunta sa ilog.  Ganon din na ipinagbabawal sa mga store owners” na magtinda ng alak sa mga bisita o turista na mamasyal sa ilog.

Sa kasalukuyan, wala pang sinasabi kung kailan muli bubuksan ang nasabing lugal pasyalan ngunit maaring ibukas nila ito bago magtag- init or ang summer season ngayon taon.

Maliban sa To’wing Falls, may isa pang ipinagmamaki ang Sablan na tourist spots at ang ito ay ang “Aneng River at ang Aneng Falls” na matatagpuan sa pagitan ng Barangay Kamog at ng Barangay Banengbeng.

Sa kasalukuyan ay nakabukas ang nasabing tourist spot sa mga turista ngunit kailangan pa rin na mapaganda ang daan patungo roon. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Sablan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here