25.1 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Baguio: Taxi muntik na mahold up, mga kawatang nahuli

- Advertisement -

Dalawang kalalakihan ang humaharap sa kaso ng Attempted Robbery with Violence matapos subukang mang hold up ng isang taxi driver sa kahabaan ng Harrison Road, Baguio City sa harapan ng University of Cordilleras Gate 5 ng alas tres ng madaling araw noong Miyerkules Abril 26, 2023.

Lumalabas sa paunang ulat na ang dalawang suspek na nagpanggap na pasahero ay sumakay ng naturang taxi sa kahabaan ng Marcos Highway, lungsod ng Baguio. Sinabi ng mga suspek sa biktima na dalhin sila sa Night Market sa Harrison Road at saka nila inihayag ang hold up nang makarating na sila sa harapan ng University of the Cordilleras Gate 5. Hinawakan ng biktima ang kamay ng suspect nahawak ang patalim at tinanggal ito sa kanyang leeg at kaagad lumabas ng kanyang taxi at patungo sa Burnham park at nag ulat sa Tourist Police Unit ng Baguio City Police Office.

Agad nagsagawa ng mabilisang follow up naging sanhi ng pagkakahuli ng mga suspeks at Burham Park. Ang dalawang suspeks ay dinala na sa BCPOโ€˜s Police Substation 7 para kinakailang disposisyon.

Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa leeg at sa kanang kamay. Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital upang magamot. Ngunit pinalabas din siya matapos magamot ang sugat nito. Ang patalim na ginamit ay natagpuan ng mga nagresponding pulis mula sa mga suspeks.

(Joel Cervantes, photo courtesy of PNP file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -