Baguio: Tatlong yunit ng Benguet Provincial Police Office kinilala bilang Most Outstanding Units sa probinsia ng Benguet

0
14

La Trinidad, Benguet – Tatlong unit ng Benguet Provincial Police Office o ng Benguet-PPO ang kinilala ng Benguet Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) na Outstanding units sa unang semester ng kasalukuyang taon. Ang dahilan ng magandang performance at dedikasyon nila sa pagsisilbi sa mga mamayan.

Ang mga units na kinilala ay kinabibilangan ng Itogon at Bokod Municipal Police Station bilang “Best MPS para sa Category A at Category B” habang ang Benguet 1st Provincial Mobile Force Company o PMFC ay kinilala bilang “Best PMFC”.

Nabigyan di ng plaque of recognition sa pamamagitan ni Benguet Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development o ng PAGPTD Chairman at Benguet Governor Melchor Diclas at ng miyembro ng nasabing advisory group.

Ang mga plaque of recognition ay mismong tinanggap ni Itogon Municipal Police Station Chief of Police, Police Major Mathew Burgos; Bokod Municipal Police Station Chief of Police, Police Lieutenant George Cupido at ni Deputy Force Commander nito na si Police Major Manuel Soliba Jr. ng 1st PMFC.

Nakatanggap din ng plaque of recognition ang Benguet Provincial Police Office mula sa Benguet PAGPTD na tinanggap ni Police Major Irving Keryao, ang namumuno ng Provincial Police Strategy Management Unit – Benguet. (Joel Cervantes | Jim Bernabe | Benguet PPO, photo courtesy of PPO Benguet)

Leave a Reply