Baguio: Sisterhood project sa pagitan ng Benguet province at Northern Samar napirmahan na

0
10
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City – La Trinidad, Benguet – Nagpirmahan ng kasunduan ang probinsiya ng Benguet at ng Northern Samar sa the sisterhood project sa kapitolyo ng Probinsiya noong araw ng Biernes.  Ayon sa tagapagtaguyod nito na si  Benguet Board Member Marierose Fongwan-Kepes, ito ay upang palakasin pa ang lokal na pamumuhunan at codigo ng pangkabuhayan sa Benguet. 

 

Ito rin anya  ay naglalayon pataasin at  paunlarin pa ang ekonomiya at klima ng negosyo sa probinsiya. Ang pirmahan ay naganap sa pagitan nila  Benguet Governor Dr. Melchor Diclas, at Northern Samar  Governor Edwin Ongchuan at sinaksihan nila  Northern Samar 2nd District Representative Harris Ongchuan at  Bise –Gobernador  Clarence Dato at may akda nito na si  Board Member Marierose Fongwan-Kepes kabilang ang  80 sa mga delegado. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)

 

Leave a Reply