La Paz, Abra – Ang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na si La Paz Mayor JB Bernos ang kauna unahang kliyente ng binuksan kamakailan lamang na National Bureau of Investigation (NBI) Clearance Center sa Barangay Mudeng, La Paz, Abra.
Sa halagang P135, ang mga mamamayan ng mga munisipyo na Abra at maging ang mga kalapit na probinsiya ay maaring maglakad ng kanilang NBI Clearance, isang dokumento na nga kinakailangan lalo na paghahanap ng trabaho, pagsisimula ng negosyo, at ang pagkuha ng ibang government-issued IDs, at ng iba pa.
Ang Clearance Center sa La Paz ay nag-aalok ng mainam na lokasyon na maari kang makatipid ng pera at panahon para sa taga Abra na nais sumubok sa serbisyo nito.Â
Ang pagbubukas at pagbabasbas ng nasabing Center ay dinaluhan ni NBI Information Communications Technology Division Chief Marlou Baltazar, NBI-Vigan agent-in-charge Migdonio Congzon Jr., ng mga iba pa. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)
