Kibungan, Benguet – Ang mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office ay nakadiskubre at nanunog ng Tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng 60,000 pisos sa Kibungan, Benguet.
Ayon sa ulat ang mga maykapangyarihan na kinabibilangan ng Kibungan Municipal Police at ang iba pang tagapagpatupad ng batas kabilang dyan ang PDEA-CAR ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 300 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP60,000.00 sa Sitio Bito, Brgy Tacadang, Kibungan Benguet.
Ang mga ipinagbabawal na tanim ay binunuot at agad sinunog sa mismong lugar kung saan ito natagpuan habang ang ilan ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR para masuri.
Sa kasalukuyan, ang mga maykapangyarihan ay pinag-iigi nila ang kanilang pagimbestiga upang malaman ang may kaugnayan sa pagtatanim at palawakin pa ang kanilang paghahanap sa kalapit na mga lugar para sa karagdagang pang nakatagong taniman ng Marijuana. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)
(Source: PIO PRO-COR)