Baguio: Public hearing sa Minimum Wage Adjustment sa Cordillera, ipapatupad

0
15

Baguio City – Magpapatupad ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board-CAR ng mga public hearings para sa minimum wage adjustment para sa mga manggagawa sa pribadong sector at sa mga manggagawa sa loob ng rehion Cordillera.

Ang RTWPB ay isang tripartite body na binubuo ng miyembro mula sa labor sector, employers’ sector at ng gobierno o pamahalaan.

Sa Sepyembre 15, 2023 ay gaganapin ang unang pampublikong pagdinig sa Bangued Abra; September 19 sa Luna, Apayao, September 20 sa Tabuk City, Kalinga; October 4 sa Lagawe, Ifugao; October 5 sa Bontoc, Mt. Province at October 10 dito sa lungsod ng Baguio.

Pinayuhan ang mga kumakatawan na interesadong dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng kanilang pagkikipag ugnayan sa RTWPB-CAR.

Sa kasalukuyan ay 400 piso ang minimum wage rate ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Cordillera. (Joel Cervantes | Jim Bernabe | DOLE-CAR, photo courtesy of DOLE-CAR)

Leave a Reply