La Trinidad, Benguet – Mahigit sa P4M pisong halaga ng illegal na druga ang nasamsam at tatlong katao ang nasakute ng mga maykapangyarihan sa isang linggo operasyon kontra illegal druga mula August 26 hangang Septembre a primero ngayong taon.
Ayon sa ulat ng Regional Operations Division, ang mga kapulisan ay nagsagawa ng may kabuang 12 operasyon sa lungsod ng Baguio, sa probinsiya ng Benguet, at Kalinga na nagresulta sa pagkakasamsam ng may kabuang 5.88 gramo ng hinihinalang Shabu, 1,750 piraso ng binhi ng Marijuana at 20,220 piraso ng ganap na laking tanim ng ipinagbabawal na pananim na nagkakahalaga ng Php4,153,984.00.
Ang pinakamahalagang operasyon ay nangyari sa Kalinga, kung saan ang mga kapulisan ay nagsagawa ng dalawang operasyon sa pagsugpo ng tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php3,480,000.00. At saka sa probinsiya ng Benguet, Pitong operasyon kontra marijuana at isang buy-bust operation ang isinagawa ng kapulisan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng illegal druga na nagkakahalaga ng Php656,984.00 at ang pagkaaresto ng isang indibidual habang sa lungsod ng Baguio, matagumpay nabinigo ng kapulisan ang buy-bust operations, naging sanhi sa pagkahuli ng dalawang katao at pagkasamsam ng illegal na druga na nagkakahalaga ng Php17,000.00.
Ang mga naarestong suspek at nasamsam na ebidensiya ay dinala sa kustodiya ng maykapangyarihan. Ang mga nahuli ay humaharap sa paglabag ng R.A. 9165, o sa mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang mga natagpuang tanim na Marijuana ay binunot at sinunog mismo kung saan ito natagpuan habang patuloy ang pagsisiyasat ng maykapangyarihan upang matonton ang iba pang taniman ng Marijuana at makilala ang mga nagtanim nito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-COR)