Baguio: Patuloy ang pagsugpo ng Police Regional Office Cordillera sa illegal na droga

0
7
(Photo courtesy of PRO Cordillera PAGE)

Ang patuloy na pagsasaliksik laban sa droga ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng pinatuyong dahon ng Marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa P2Milyon piso sa probinsiya ng Benguet noong Sabado lamang Mayo a 4 ng taong ito.

Sinabi ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen. David K. Peredo Jr., ang mga tauhan ng anti-illegal drug operatibo ng Tuba Municipal Police Station ay nagsagawa ng pagpapatunay sa ulat na diumano ay may presensia ng Marijuana sa Sitio Canubas, Camp 4, Tuba, Benguet.

Noong kanilang makumpirma, ang mga operatiba ay nakadiskubre ng may kabuuang dami ng pinatuyong tangkay ng Marijuana na may bunga pa ito na may bigat na 16,700 gramo at nagkakahalaga ng Php2,004,000.00.Z

Matapos na madokumento ang mga ito, ang lahat ng nadiskubreng pinatuyong Marijuana ay sinunog na kung saan sila natagpuan habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod nito. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply