Baguio: Pakikiisa ng publiko sa pagtatanim ng mga puno para sa Environment Month hiniling ng DENR-CAR

0
35

Baguio City – Hiniling ng Department of Environment and Natural Resources-Cordillera (DENR-CAR) ang pakikiisa ng publiko sa mga gawain sa pagtatanim ng mga puno na isasagawa bilang bahagi ng pagdiririwang ng Environment Month sa Hunio.

Ayon kay DENR-Regional Executive Director Engr. Ralph Pablo, nakahanda na ang mga buto o ang mga seedlings sa mga 12 opisina ng Environment & Natural Resources rehion Cordillera na libreng ipapamahagi sa publiko.

Kanyang idinagdag na ang Environment & Natural Resources Offices ay nakakapagparami ng 50,000 seedlings na ipapamahagi sa darating na panahon ng pagtatanim.

Nasabi niya na maaring magsadya ang mga interesado sa kanilang opisina.  At sila mismo ang magdadala ng mga seedlings sa mga barangay kung hindi sila makakapunta. Ito ay para sa enrichment planting na kung saan ang lupa na nasunog sa kagubatan ay matatamnan ng kahoy.

Samantala, maliban sa pagtatanim ng kahoy, hinihikayat ang publiko ni DENR Regional Executive Director Pablo na sumali ang mga ito sa iba pang gawain para sa Environment Month na tulad ng  river clean up drive, bamboo planting at ng iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of DENR-CAR)

Leave a Reply