Baguio City – Benguet Province – Ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) nakakasamsam ng may kabuang PhP1,026,800.00 halaga ng illegal na druga at nakaaresto pa ng isang tulak ng druga sa makahiwalay na operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Benguet at lungsod ng Baguio noong araw ng Sabado.
Sa probinsiya ng Benguet, Apat na taniman ng Marijuana natamnan ng 5,100 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana Plants na nagkakahalaga ng PhP1,020,000.00 ang nadiskubre habang isinasagawa ang operasyon sa pagsugpo ng illegal na pananim na isinagawa ng mga yunit ng Benguet Police Provincial Office, kabilang dito ang Regional Intelligence Division ng PRO-CAR at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (CAR), sa mga munisipyo ng Kapangan at Kibungan.
Ang mga natagpuan na tanim na Marijuana ay isinadokumento muna bago binunot at saka sinunog kung saan sila natagpuan habang ang ilan sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR. Samantala, dito sa lungsod ng Baguio, Isang 43-taong gulang na lalaki ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation na isinagawa ng Baguio City Police Office (BCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency sa Brgy. Victoria Village.
Ang suspek ay nahuli matapos magbenta ng isang pakete ng hinihinalang Shabu, na may bigat na tinatayang 1 gramo na nagkakahalaga ng PhP6,800.00, sa isang miyembro ng operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer. Ang suspek at ang nakumpiskang illegal na druga ay dinala sa BCPO-City Drug Enforcement Unit para sa pagdodokumento . Siya ngayon ay humaharap sa salang paglabag ng R.A. 9165, o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
Source: PIO-Pro-CAR