33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Pagsugpo ng illegal na druga tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Cordillera pulis

- Advertisement -

Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet – May kabuang mahigit sa limang milyong pisong halaga ng illegal na druga ang nasamsam ng kapulisan ng Police Regional Office Cordillera na resulta ng patuloy na pagsasagawa ng operasyon sa illegal na druga noong nakaraang Jueves.

Sa Tabuk City, isang Street Level na katao ang nahuli sa isang buy-bust operation naisinagawa sa barangay Tuga matapos makahula ang operatiba mula sa kanyang pag aari ang dalawang sachets na hinihinalng Shabu na may bigat na hindi humigit kumulang sa 10 gramo at nagkakahalaga ng Php68,000.00.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkatuwang na operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)/Provincial Intelligence (PIU) ng Kalinga Police Provincial Office, Tabuk City Police Station, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), Regional Intelligence Division, PDEG SOU-14, Regional Intelligence Unit-14, RMFB15, Special Action Force at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga.

Samantala, sa Lubuagan, ang magkasanib na tauhan ng mga may kapangyarihan ang nakaaresto ng katao na kinilala bilang isang taga Bulacan matapos na binale wala at sinubukang tumakas sa checkpoint sa Sitio Dinakan, barangay Dangoy, at nang magsagawa ng inspeksyon, nadiskubre ang 42 piraso ng pinatuyong Marijuana na may bigat ng 42,000 na gramo at nagkakahalagang Php5,040,000.00.

Ang lahat ng mga naarestong suspek at ang piraso ng mga ebedensiya ay dinala sa kustodiya ng kani kanilang yunits sa pagdodukumentasyon at wastong disposisyon.

Samantala, ang paglabag nila tulad ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay inihahanda laban sa kanila. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO-COR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -