Baguio: Pagsubaybay kaugnay sa Smoke Free Ordinance ng mga paaralan, plano ng Itogon Municipal Police Station at LGU Itogon

0
6

Itogon, Benguet – Nais ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development ng Itogon sa pamamagitan ng Municipal Police Station nito ang pagpapatupad ng pagsubaybay ng smoke-free ordinance sa mga paaralan.

Ito ay kasunod ng ulat ni Nestor Asiong, isang kinatawan mula sa academic sector kaugnay sa hindi magandang kalagayan ng estudiante ng insidente ng paninigarilyo o vaping, pagmamaliit o bullying at ang pag inom ng alak sa paligid ng mga paaralan.

Sa naganap na pagpupulong ng nasabing grupo noong isang araw, nais nilang magsagawa ng unannounced searches at ang pagkompiska ng ipinagbabawal na mga bagay tulad ng vaping devices, mga armas at inuming nakakalasing.

Maliban dito, nais na magsagawa ng information dissemination patungkol sa anti-bullying at anti-bastos laws sa mga estudiante. (Joel Cervantes, photo courtesy of Mayor’ Office Itogon)

Leave a Reply