Baguio: Pagpili ng magsasaka para sa panapanahon na pagtatrabaho sa π—§π—”π—˜π—•π—”π—˜π—ž, 𝗦𝗒𝗨𝗧𝗛 π—žπ—’π—₯π—˜π—” isinasagawa na

    0
    14
    photo courtesy of PIO Baguio

    Baguio City – Ang City Veterinary and Agriculture Office (CVAO), Public Employment Services Office (PESO), at ang iba pang opisina ay nagsasagawa ng pangangalap at proceso ng pagpili ng manggagawa sa sakahanΒ  na maipapadala sa Taebaek City, South Korea bilang bahagi ng Seasonal Worker Program (SWP) sa pagitan ng lungsod ngΒ  Baguio at ng Taebaek.

    Ang naturang programa ay nagnanais na magbigay ng pagkakatoan para sa lokal na magsasaka na magkaroon ng karagdagang sahod at kasanayan sa pamamagitan ngΒ  international internship programs kabilang dito ang pagpapalakas ng ugnayan sa agrikultura at kooperasyon sa Republika ng South Korea, lalo na sa kapatid nitong lungsod ang Taebaek City.

    Ang kwalikasyon ayΒ  lalaki o babae, edadΒ  25 hangang 50 taong gulang sa panahon ng aplikasyon, dapat naninirahan sa lungsod ng Baguio sa loob ng isang taon, may karanasan sa pagtatrabaho sa sakahan, maaring magsalita at makaintindi ng English, handang sumailalim sa klase sa lenguaheng Korean, kultura at tradisyon, physically atΒ  mentally fit; at higit sa lahat walang criminal record. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Baguio).

    Leave a Reply