Baguio: Pagmina na Mercury Free Mining Agreement naisagawa na pinirmahan ng asensiya ng gobyerno

0
8

Bontoc, Mt. Province – Pinirmahan ng mga Mercury-Free Mining Agreement, sa isang okasyon na dinaluhan ng mga Minero, Mines Geo Sciences Bureau, at ng Artisan Gold Council, bilang pag-obserba sa responsableng pagminana.

Pumirma ang Northern Sagada Barangay Small-Scale Mining Association, Inc. ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Mines and Geosciences Bureau (MGB)-CAR at ng Artisan Gold Council (AGC) sa Bontoc, Mountain Province noong nakaraang linggo upang maging responsableng mga minero.

Binigyang diin ang nasabing kasunduan ay ang hindi paggamit ng Mercury sa mga Small Scale Miners operasyon nila ganon din ang pagsunod nila sa iba’t ibang alituntunin ng Department Administrative Order No.97-30 o ang Small-Scale Mine Safety Rules and Regulations.

Ayon sa impormasyon mula sa opisina ni Governor Bonifacio Lacwasan Jr., kasabay ng pirmahan ng MOA ay nagbigay din ng P5.5 million piso bilang tulong pinansial para sa pasilidad at operasyon ng nasabing  asosasyon mula sa Planet Gold Philippines-Artisan Gold Council.

Samantala, sinabi ni Planet Gold Philippines-Artisan Gold Council National Project Manager Abigail Ocate, ang pagpirma sa MOA ay pangako nila bilang pagsuporta sa mga smalls scale miners sa nasabing probinsiya lalo na sa Sagada kasabay ng pagtataguyod ng legal at responsableng pagmimina. (Joel Cervantes, photo courtesy of MGB-CAR)

Leave a Reply