(Baguio City) Ipinahayag ni Mayor Benjamin B. Magalong na ang Philippine Airlines o ang PAL at ang Civil Aviation Authority of the Philippines are minamadali na ang pagsasa ayos ng Laokan Airport upang muli itong buksan. Sa mga commercial flights sa Disyembre. Samantala, ipinagbigay alam ng mga opisyal ng CAAP at ng PAL, isinasapinal na ang plano ng domestic flights mula Baguio at Cebu City at vice versa sa isang pagpupulong ng Tourism Council kamakailan lamang.
Nagpasalamat ang mayor kay DOTR Secretary Jaime Bautista dahil pagnanais nito na masa ayos ang Loakan Airport upang mapalakas ang economic recovery ng lungsod ng Baguio. Ang DOTR at CAAP ay naglatag na ng ponding 68 milion sa pagsasa ayos ng airport terminal kabilang dito ang pagpalit ng landing system na magbibigay gabay sa mga eroplanong lalapag at muling lilipad sa naturang airport kahit na masama ang panahon.
Naniniwala si Magalong na pagnabuksan na ang Loakan Airport, marami namang airline companies ang magnanais na lumipad dito sa Baguio.
(RPN-Baguio/Joel Cervantes)
Photo credit to PIO Baguio City