29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Pag-amendyenda ng Sports Ordinance ng Probinsia ng Benguet may posibilidad na maiwawasto

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Sports Ordinance na Probinsial na Gobierno ng Benguet, pinag aaaralan para sa possibleng pagwawasto o -pag amendyenda nito.

Pinag aaralan ang posibleng pagwawasto or pag amendya ng Provincial Sports ordinance ng Benguet upang matulungan sa larangan ng pinansyal at makilala ang mga manlalaro lalo na ang mga kumakatawan at nagbibigay ng parangal sa probinsiya mula sa national at international sports competitions.

Ayon kay Vice Governor Ericson Felipe, nakausap na niya ang Chairperson ng Committee on Youth and Sports Development para sa nasabing bagay. Inamin ni Felipe na dahil sa limitado ang budget at limitado din ang tulong naibibigay sa mga manlalaro lalo na yong sumasali sa mga sports competition sa ibayong dagat na may malaking gastos. Anya yon dapat ang bigyan ng tulong mula sa sarili nilang bulsa ang kanilang ginagamit na pera at sa pamamagitan din ng solicitations.

Matatandaan na noong Lunes, Enero a 16, ay may 33 manlalaro ng Benguet at kanilang mga coaches ay nabigyan ng parangal at nabigyan din ng cash prize sa pag uwi nila ng medalya mula sa national at international sports competitions na kanilang sinalihan kung saan nagpalabas ang probinsial na gobierno ng 124,500 pesos bilang cash incentive batay na rin sa provincial ordinance.

Ayon sa Provincial Sports ordinance, ibinibigay sa mga manalalaro ang 8, 000 pesos para sa mga nanalo ng gold medal; 5,000 pesos para sa silver medal, at 3,000 pesos para sa bronze medal.

Samantala, tiniyak ni Governor Melchor Diclas ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga manlalaro ng Benguet kahit man sa maliliit na bagay. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet Prov)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -