Monday, April 29, 2024

Baguio: NBI-CAR hiniling na mag-imbestiga sa pagpatunay na may pekeng titulo ng lupo na inilabas ng isang kooperatiba

- Advertisement -

Baguio City – Hiniling ng lokal na opisyal ng lungsod sa City National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR) na magsagawa ng imbestigasyon at posibleng pagsampa ng mga kaso kaugnay sa diumano ay illegal na gawain ng Bagong Lahing Pilipino (BLP) Multipurpose Cooperative na mas kilala bilang Bagong Lahing Pilpino Development Foundation, Inc. at ng isang taong may pangalan bilang si Jovito Camangon Salonga, ang vice chairman diumano ng naturang organisasyon sa napabalitang pagpapalabas ng huwad o pekeng titulo ng lupa para sa proteksyon ng publiko.

Ang mga lokal na opisyal ay naalarma sa ginagawang aktibadad patungkol sa diumano ay mapaglinling na titulo ng lupa na ipinalalabas ng nasabing samahan na may kaugnayan sa lupa sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Dahil dito, nagbigay ng babala ang lungsod sa publiko na kanilang iuulat ang ginagawang aktibidad ng Bagong Lahing Pilipino Multipurpose Cooperative na mas kilala bilang Bagong Lahing Pilipino Development Foundation, Inc. at hinikayat ang publiko na ireport kaagad ang kahinahinalang gawain hingil sa pagpapalabas ng mga diumano ay huwad na titulo sa lungsod.

Ayon sa ilang opisyal ng lungsod na may ilan sa kanilang kamag-anak ang nakatanggap ng huwad na titulo ng lupa mula sa naturang organisasyon kapalit ang hindi ibinunyag na halaga ng salapi at sa kanilang pagtatasa ay kanilang natuklasan na ang mga naipalabas na titulo ng lupa ay pawang uwad na sumasakop sa iba’t ibang bahagi ng lupa sa lungsod ng Baguio. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes

(Source: Baguio Information Public Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -