Baguio: Nais ng mga barangay sa munisipyo ng Kapangan na magsasagawa na ng kanilang sariling tour package sa turismo

0
31

Kapangan, Benguet – Ninanais ng bawat barangay sa munisipyo ng Kapangan, Benguet na gumawa ng sarili nilang tourism package.

Ito ang sinabi ni Mayor Manny Fermin, at dahil dito magsasagawa sila ng pagsasanay o training sa mga barangay tourism council para sa nasabing bagay. Sinabi niya na sa pamamagitan nito ay magtutulong tulong ang munisipyo at ang mga barangay sa pagtataguyod ng turismo sa kanilang lugar.

Anya magkakaroon ng kaugnayan ang mga negosyo tulad ng restaurants, homestays at iba pang negosyo sa turismo.

Samantala, sinabi ni Fermin na may mga home stay na sa Kapangan, Benguet at handa rin ang lokal na gobierno nila na magsagawa ng pagsasanay at maging ng seminar sa mga mamamayan na upang mapanatili at madagdagan pa ang mga mag aalok ng homestay sa mga bisita o turista. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kapangan file)

Leave a Reply