Monday, May 6, 2024

Baguio: Mga tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P250K sinunog sa probinsiya ng Benguet

- Advertisement -

Bakun, Benguet – Sinunog at sinira ng operatiba ng Benguet Police Provincial Office ang kabuang halaga na PhP250,000.00 na tanim na Marijuana sa munisipyo ng Bakun, Benguet noong Miercules o Abril a 17 ng taong ito.

Ito ay ayon kay PRO Cordillera Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr., ang mga miyembro ng tinatawag na Pulis Kabalyero Cops ng Benguet Police Provincial Office ay nagsagawa ng pagsugpo ng tanim na marijuana na nagresulta sa pagkakadiskubre ng may kabuang 1, 250 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana plants na nagkakahalaga ng PhP250,000.00 sa Sitio Dodoan, Brgy. Bulisay.

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng Bakun Municipal Police Station, katuwang nila rito ang Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit-14, at ang PDEA-CAR.

Sinabi ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr., na ang matagumpay na operasyon ng mga tagapagpatupad ng batas ay nagbibigay diin sa kanilang tungkulin na labanan ang pananalasa ng illegal na druga sa rehion.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang makilala at mahuli ang mga nasa likod nito. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PRO COR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img