Baguio City – Inihayag ng City Environment and Parks Management office na ang Botanical garden, Mines View Park, Wrigth Park, at Dominican Heritage and nature park ay sarado dahil sa Bagyong Nika. Pinaalalahanan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga turista sa kanilang pagbisita sa lungsod para na rin sa kanilang kaligtasan. Probinsiya ng Benguet nagsuspendi din ng mga klase ngayong araw. Samantala, sinuspendi na rin ni Benguet Governor Melchor Diclas ang mga klase sa lahat ng level sa probinsiya ng Benguet dahil na rin sa Bagyong nika na papalapit sa hilagang Luzon.
Ayon sa huling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), Benguet ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2. Bilang karagdagan, pinaalahahanan ni Governor Diclas ang lahat ng municipal local government units (LGUs) sa Benguet na maging mapaghanda. Kanya ring hinikayat ang mga LGUs na i activate na nila ang kanilang disaster response mechanisms, magsubaybay ng mga weather updates, at maging handa na tumulong sa mga kommunidad lalong lalo na mga apektadong lugar. Nagpaalalala din ang Governor sa publiko na iwasan ang mga hindi kinakailangan paglalakbay at makipag ugnayan sa inyong Emergency Operating Center kung may mga emergency. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: PIO Baguio)
