Friday, May 3, 2024

Baguio: Mga insidente ng krimen sa rehion Cordillera bumababa sa ikalawang bahagi ng taon

- Advertisement -

(Baguio City – Camp Bado, Dangwa La Trinidad, Benguet) Bumaba ng 29 percent ang mga nangyaring insidente ng krimen na itala sa rehion Cordillera sa ikalawang bahagi ng taong ito kung ihahambing sa unang bahagi ng kasalukuyang taon. Sa inilabas na datus ni PROCOR Regional Director Brig GEN David Peredo Jr, sa ginanap na ika 3rd Quarter Cordillera Regional Peace and Order Council (CRPOC) Meeting noong Hulio 14, 2023, nakapagtala ang Cordillera region ng 178 na mga index crimes sa ikalawang bahagi ng taon kung ihahambing sa 194 noong unang bahagi ng taong ito.

Ang non-index crimes, nakapagtala naman ng 276 sa ikalawang bahagi ng taon kung ihahambing sa 297 noong unang bahagi ng taong 2023. Sa larangang ng mga index crimes, may itinaas ang datos sa pagnanakaw, panghahalay, at pananakit o physical injuries sa ikawalang bahagi ng taon samantalang ang non-index crime ay may kataasan sa paglabag ng RA 1965, illegal gambling at ang paglabag sa RA 9262.

Sinabi ni Peredo na ang pagbaba ng insidente ng krimen sa rehion ay sanhi ng patuloy pagsasagawa nila ng Enhance Managing Police Operations at ang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations o ang SACLEO. Kanyang idinagdag na nanatiling matiwasay sa pangkahalatan ang buong rehion Cordillera. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

(Photo Credit to PNP Cordillera RCADD file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img