25.7 C
Manila
Sunday, February 25, 2024

Baguio: Mga colorum deep well at water delivery services hinihikayat na gawin legal ang kanilang operasyon

- Advertisement -

Baguio City – Hinihikayat ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio ang mga unlicensed deep well at ang iba pang water delivery services na gawin nitong legal ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagkuha ng business permits at sumunod sa mga kinakailangan para sa kaligtasan ng kanilang kalakal.

Ito ang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na isa sa mga hakbang ng lungsod na hinahangad upang maiwasan ang pagka ulit ng diarrhea outbreak napag-alaman na ang sanhi ng kontaminadong tubig ay nagmula sa mga pribadong deep wells at ng bulk water delivery services.

Nagpaalaman ng mayor na may 1,300 deep wells ang naitala sa lungsod ngunit mayroon lamang 300 ang may permiso mula sa National Water Resources Board o NWRB.

Ganon pa man, ang lokal na gobierno ay walang kapangyarihan na magpasara ng mga illegal na deep wells ngunit may kapangyarihan na mag utos na sumunod sa panuntuntunan pangkaligtasan sa pagtutus ng tubig komersyal sa pamamagitan ng pagpapalabas ng lisensiya sa pangangalakal upang matiyak ang kanilang tubig ay regular na sinusuri at ang kanilang operasyon ay sumusunod sa mga panuntunan sa kalinisan.

Kamakailan lamang, hiningi ni Mayor Magalong ang tulong ng mga lisensiyadong bulk water suppliers at ng Association of Purified Water Refilling Stations na mas kilala sa Baguio Association of Purified and Mineral Water Refillers Inc. na kumbinsihin ang hindi pa lisensiyado upang maging lehitimo ang kanilang operasyon.

Ani Mayor Magalong ang pagiging lehitimo ng mga ito ay ang makikinabang ang publiko at para sa mga may-ari ay malaya silang makakapagsasagawa ng kanilang negosyo na walang takot dahil sa tinitiyak ng lokal na gobierno na ang mga ito ay tumutupad sa mga panuntunan upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at maging ng kanilang customers tulad ng mga refilling station na umiigib ng tubig mula sa mga pinagkukunan nila upang maprotektahan nila ang kanilang mga negosyo.

Bilang pagtugon, ang samahan ng refillers ay nangako na gagawin nila bilang requirement para sa kanilang miyembro na kumuha o umigib ng tubig sa mga lisensiyadong deep well at bulk water sources. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -