Kibungan, Benguet – May kabuuang PhP3,790,000.00 halaga ng tanim na marijuana ang natuklasan ng iba’t ibang operatiba ng Benguet Police Provincial Office (PPO) sa kanilang isinagawang pagsugpo ng marijuana sa probinsiya ng Benguet noong araw ng linggo.
Sa Kibungan, 4,750 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP950,000.00 nakatanim sa 950 metro kuwadradong plantation sites ang nadiskubre ng mga operatiba sa Kibungan Municipal Police Station (MPS), katuwang nila ang iba pang maykapangyarihan kabilang diyan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Benguet sa Sitio Basi at Sitio Bagew of Brgy. Tacadang.
Bilang karagdagan, sa Bakun, 1,620-metro kuwadradong plantation sites natamnan ng 12,800 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana at 7,000 piraso ng binhi ng marijuana na nagkakahalaga ng PhP2,840,000.00 ang nadiskubre ng pinagsamang operatiba mula sa Bakun Municipal Police Station at ng iba pang operatiba kabilang dyan ang PDEA-Benguet sa Sitio Maliteng, Brgy. Sinacbat.
Ang mga natuklasang tanim na marijuana ay isinadokumento muna bago ito sinunog habang ang ilan ay kinuha at dinala sa Regional Forensic Unit-CAR. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PRO CAR)
