33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Maagang pagboto sa mga vulnerable sectors pinag-aaralan ng kongreso

- Advertisement -

Baguio City – Ang maagang pagboto ng mga vulnerable sector para Barangay at Sanguniang Kabataan Elections o ang BSKE kasalukuyang pa lang pinag aaralan.

Ayon sa COMELEC, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) National Chairman George Erwin Garcia pinag aaralan pa ng Committee on Elections sa kongreso ang panukala nila ng maagang pagboto ng mga kasapi ng tinatawag na vulnerable sectors sa papalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections o ang BSKE.

Ayon kay Garcia, wala pa silang natatanggap na desisyon ng kongreso kaugnay sa hiling nila na maagang pagboto ng mga senior citizen, Person with Disability o PWD’s, mga nagdadalang tao at ng iba pa na kasama sa vulnerable sector upang hindi na mahirapan sa pagboto sa araw mismo ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Tiniyak ni chairman Garcia na pangunahin ng Komisyon ang maganda at hindi magulong pagboto ng mga vulnerable sectors. Sinabi niya na kung hindi maaprobahan ang panukala nila ay bukas na lamang na maaga ang pagbubutuhan kung saan ay mauuna ng dalawang oras at ito ay para lamang sa mga vulnerable sectors.  Anya mula alas singko ng umaga hanggang alas siete ng umaga ay makakaboto ang mga kasapi ng vulnerable sector. Matapos ang mga ito saka na lamang maaring bomoto ang iba pang mga botante.

Sinabi ng Comelec chairman, ang pagboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay hangang alas tres ng hapon dahil sa iilan ang pagbiling ng mga boto. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -