Thursday, May 2, 2024

Baguio: Libre na maintenance medicine para sa mga mahihirap isinusulong sa Baguio

- Advertisement -

Itinituon ng City Council o konseho ng Lungsod ang pamimigay ng libreng Maintenance medicines sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod at ang paghahahanap ng pondo para dito.

Ang nasabing panukala ay nagkaroon na ng unang pagbasa sa City Council noong nakalipas na pagpupulong ng konseho.  .Ayon sa may akda ng ordinansia, na si Councilor Benny Bomogao, ang pamamahagi ng libreng maintenance medicines ay upang maipagpatuloy ang pagiging malusog at walang karamdaman ang mga mahihirap na residente ng lungsod.

Samantala, inaatasan ng nasabing panukalang  ordinansia,  Ang City Health Services Office na magsagawa ng pagbili at pamamalagi ng maintenance medicines sa mga mahihirap na mamamayan nito na may medical card. Ang City Health Services Office ang magsasagawa ng libreng regular check up sa mga kwalipikadong mahihirap na mamamayan nito na nagnanais na makakuha ng libreng maintenance medicines.

Sa kaugnay na balita, ninanais din ng mga Senior Citizens ng lungsod na mapasama din sa makakakuha ng libreng maintenance medicines at libreng medical consultations.

Ayon sa kanila, ayaw na nilang pabigat or umaasa na lamang sa kanilang mga Anak.  Ang tanging paraan nila ay umapela sa lokal na gobierno upang sila ay matulungan man lamang. (RPN/Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img