Baguio: Kaso ng Dengue sa lungsod ng Baguio tumaas o lumaki pa ng 646 por siento

    0
    17
    photo courtesy of PIO-Baguio

    Baguio City – Iniulat ng City Health Services Office (CHSO) na ang mga kaso ng  dengue sa lungsod ng Baguio ay bahagyang tumaas ng  646% noong nakaraang taon kung ihahambing sa mga nakaraang taon.  Sinabi ni Binibining Kimberly Sibayan, isang medical surveillance officer of the city epidemiology and surveillance unit, na ang lungsod ay may 9,688 kaso ng dengue noong nakaraang taon kung ihahambing sa  1,299  na kaso sa mga nakaraang taon.

     

    Bilang karagdagan, ang mga namatay na may kaugnayan sa dengue-ay may 533-porsiento na pagtaas na may kasamang 19 namatay sa naturang sakit noong nakaraang taon kung ihahambing sa tatlong kataong namatay din sa Dengue noong mga nakaraang  taon.  Kanyang sinabi na ang mga edad ng mga nagkaroon ng Dengue ay nag uumpisa mula isa hangang 97 taong gulang at ang nasa kagitnaan ay 23 taong gulang. 

     

    Anya sa 19 namatay sa Dengue noong nakaraang taon,  11 ang mga lalaki habang  8 ang mga babae. Kabilang sa nangunganang sampung barangay sa lungsod ng Baguio napaulat na may kaso ng Dengue noong nakarang taon ay ang mga sumusunod :Bakakeng Central, Asin Road, Pacdal, Camp 7, Bakakeng Norte/Sur, Sto. Tomas Proper, Loakan Proper, San Luis village at Gibraltar. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

     

    Leave a Reply