Baguio: Gov. Melchor Diclas ng Benguet Province supportado ang Pinaslakas program

0
0

(Benguet Province) Ang  opisyal  ng lalawigan ng Benguet sa pamumuno ni Governor Melchor D. Diclas kasama si Vice Governor Ericson Felipe mga board member Joel Tingbaoen, Ruben Paoad, at Johannes Amuasen ay kanilang tinanggap ang una at ikalawang COVID-19 booster shots sa pamamagitan ng programa  na “Pinaslakas”.

Ito’y isang programa ng Gobyerno sa boung Pilipinas na sana makakuha ng maraming Filipino na mabakunahan sa COVID-19. Ang programa na ito ay ang pagpapahiwatig at  matawagang pansin ang mga kababayan na mabigyan ng libre na bakuna sa COVID-19.

Ayon din kay Dra. Meliarazon Dulay Provincial Health Officer ng Benguet, ang Pinaslakas ay kampanya at stratehiya  na maitaas at madagdagan ang mabigyan ng booster at bakuna ang mga kababayan Filipino. Ang programa na “Pinaslakas” ay suportado ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang isang daan  araw serbisyo bilang pangulo ng Pilipinas.

(RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here