35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: DSWD-CAR, nakahandang tumulong sa mga Local Government Units sa possibling epekto ng Northeast Monsoon at ng low pressure area

- Advertisement -

Baguio City – Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development- CAR na tumulong sa mga local government units na nangangailangan ng tulong ng ahesiya sa panahon ng kalamidad lalo na sa banta ng Northeast Monsoon at ng Low Pressure Area na sakop ng bansa.

Ayon kay DSWD–CAR Regional Director Leo Quintilla, sapat pa ang stockpile nito tulad ng family food packs na 41,668 packs na halagang 29 million pesos; non food items na 28,690 packs na nagkakahalaga na umaabot sa 66 million pesos at ang standby funds na 13.5 million pesos. Naka-preposition din ang tulong ng mga warehouses ng nasabing ahensiya sa iba’t ibang probinsiya sa Cordillera Region.

Samantala, pinayuhan ng nasabing director ang madla na makiramdam sa maaring pagbaha o pagguho dahil sa nararanasang pag ulan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Idinagdag ni Quintilla na nakahanda din ito na magbigay ng tulong kasabay ng pagdiririwang muli ng Panagbenga Festival o ang Baguio Flower Festival ngayong buwan ng Pebrero hangang sa unang linggo ng Marso.  (Joel Cervantes, photo courtesy of DSWD-CAR file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -