Baguio: DOT-CAR magsasagawa ng Cordillera Festival of Festivals sa darating na Nobyembre a 12

0
21

Baguio City – Ang pinakamalaki at pinakapiestang kaganapan sa lahat ng Cordillera Festivals ay magaganap na ilang araw na lang.

Hindi na kailangan pang maghintay ng Pebrero upang madama ang panahon ng pamumulaklak. Kaya nga Nobyembre a 11 ay ibibigay na ng Department of Tourism-CAR ang sulyap ng Panagbenga Festival sa Cordillera Festival of Festivals sa Rose Garden, Burnham Park, Lungsod ng Baguio.

Ang Panagbenga Festival ay taunang flower festival na ipinagdiririwang kada Pebrero dito sa Baguio.  Ang katagang “𝘗𝘢𝘯𝘢𝘨𝘣𝘦𝘯𝘨𝘢” ay nagmumula sa salitang Kankanaey na ang ibig sabihin ay o panahon ng pamumulaklak o sa wikang English: “season of blooming”.

Ang naturang festival ay sumasalamin sa kasaysayan, tradisyon, at kaugalian sa Baguio at sa rehion Cordillera.

Ito ay magtatagal ng isang buwan at yayabong ito sa pamamagitan ng pagkikiisa ng pamayanan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of DOT-CAR)

 

Leave a Reply