Nagpaalaala ang Department of Health – Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) sa publiko na iwasan ang paglusong sa tubig baha dahil sa tumaas ang kaso ng Leptospirosis kasunod ng pagdaan ng Bagyong Carina at ang araw–araw na pag-ulan sa rehion dahil na rin sa La Nina.
Sinabi ni DOH-CAR Information Officer Geeny Anne Austria na may kabuuang 73 kaso ng leptospirosis na may naipa-ulat na lima ang mga namatay sa Cordillera mula Enero a primero hanggang Agusto 10, ng taong ito.
Ang Apayao ang may mataas na bilang ng kaso ng leptospirosis sa bilang 27, sinundan ito ng Benguet na may 14, ang lungsod ng Baguio na may 12, ang Kalinga na may 9 na bilang, ang Ifugao na may lima, Mountain Province na may apat at ang Abra may dalawang kaso.
Ang limang namatay sa Leptospirosis ay galing sa mga sumusunod; dalawa mula sa Apayao at isa sa bawat lugar tulad ng Baguio City, Benguet at Ifugao.
Kanyang pinayuhan ang publiko na agad magpakonsulta kapag sila ay nakaramdam ng sintomas o dili kaya ay lumusong sila sa tubig baha upang mabigyan sila ng post-exposure prophylaxis at maiwasan ang bacteria sa pagsulong.
Kanyang ipinaliwanag na ang leptospirosis bacteria ay maaring makuha sa ihi ng daga. Ang sinyalis ng Leptospirosis at sentomas ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan pain, calf-muscle pain at ang pamumula ng mata sa ilan sa mga kaso.
Ang matitinding kaso ng Leptospirosis ay maaring magresulta sa maaring maapektuhan ang atay, ang kidney failure, at sa ibang kaso, ang pagkakaroon ng yellowish body discoloration, ang itim na kulay ng ihi, mahinang paglabas ng ihi at ang pagkakaroon ng matinding sakit sa ulo.
Kamakailan lamang nagpapaalala si Mayor Benjamin Magalong sa publiko na panatiling malinis ang kanilang kapaligiran at sumunod sa pamantayang sanitasyon. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio City)
