30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Baguio: Dalawang katao na labas pasok sa kulungan sa kasong droga muling naaresto ng PDEA Cordillera at Abra Provincial Office

- Advertisement -

Bangued, Abra – Ang dalawang drug personalities na ito ay hinuli itong Nobyembre ng taon. Sa kasalukuyang ay nasa ilalim ng probation bilang kinalabasan ng plea bargaining deal sa korte dahil sa kanilang mga nakaraang kaso sa druga.

Sa ulat ng PDEA- CAR, kay PDEA Director General Moro Virgilo Lazo, kinilala ang dalawa na sina Ariel Dumlao Benedito at Anna Liza Abella Millare, kapwa residente ng Zone 5, Bangued, Abra.

Ang dalawang suspek ay inaresto sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Hon. German Ballesteros III, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 1 ng Bangued, Abra.  

Nakuha sa kanilang pag-iingat ay ang siyam (9) na pirasong transparent plastic sachet naglalaman umano ng shabu na may kabuuang timbang na 26.99 gramo na nagkakahalaga ng P183,532.00, at mga drug paraphernalia.  

Sa isinagawang imbistigasyon ng PDEA Cordillera, lumalabas na sa paglaya sa kulungan, ang dalawang drug personalities ay muling bumalik sa kanilang negosyong sa iligal na droga, kaya muli silang nasa ilalim ng monitoring at validation process ng iba’t ibang law enforcement units sa Probinsya ng Abra, hanggang sa muli silang arestuhin sa bisa ng Search Warrant.

Nahaharap ngayon muli ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PDEA CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -