Baguio: Dalawang kasapi ng New People’s Army kusang sumuko sa Mountain Police Provincial Office at AFP

0
11
photo courtesy of PNP Cordillera

Camp Bado, Dangwa, La Trindad, Benguet – Dalawang dating kasapi ng makakaliwang grupo ang nagkusang sumuko sa may kapangyarihan sa Mountain Province noong Abril 12 ng taong ito o noong biernes nakaraang linggo.

Sinabi ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen David K. Peredo Jr., ang mga sumuko ay may edad na 54 hanggang 56 at kapwa miyembro ng New People’s Army sa ilalim ng KLG Marco, Artus Talastas Command.

Sila ay sumuko sa magsanib na operatiba ng ibang yunits ng Mountain Police Provincial Office at sa tropa ng Armed Forces of the Philippines. Kabilang sa isinuko ng dating rebelde ang kanilang baril tulad ng Bolt Action 30-caliber, kabilang ang mga bala.

Ang mga sumuko at ang kanilang baril ay dinala sa Camp 1 Lt. Geronimo F. Montes, sa Brgy. Poblacion, Bontoc, Mountain Province. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR- Crodillera)

Leave a Reply