Baguio City: Walong munisipyo sa Probinsiya ng Benguet pumasa sa 2024 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG)

    0
    20
    (Credit to PIO Kibungan)

     

    (Baguio City-La Trinidad, Benguet) Inihayag ng Department of Interior and Local government ang walong local government units o LGU’s sa  Benguet ay kabilang sa  National Passers of the 2024 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG). Ang mga naparangalan ay ang mga munisipyo ng  Atok, Buguias, Itogon, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, at Tublay. Ang mga naturang local government units ay kabilang sa  51 national passers mula sa  Cordillera region. Ang Seal of Child-Friendly Local Governance ay ibinibigay sa mga  local government units na lumampas sa pagtataguyod sa karapatan, at  kapakanan ng mga bata.  Ang mga nabanggit na  LGUs ay danaig sa pagsasagawa ng mga programa patungkol sa mga bata ,patakaran, pagtiyak sa paglapit sa mga mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan,edukasyon, proteksyon at pakikilahok. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIA-Cordillera)

          30 –

     

    Leave a Reply