Baguio: Third class municipality na ang Kapangan, Benguet

    0
    25
    (Credit to PIO Benguet)

    Kapangan, Benguet – Buong pagmamalaki ng munisipyo ng Kapangan sa pagbabago nito mula sa ika apat na klase ng munisipyo papunta sa ikatlong klase ng munisipyo. Ito ay dahil sa ipinahayag ng Department of Finance (DOF) – Department Order No. 074-2024.

    Ang natamong pagbabago ay nagpapahiwatig ng dedikasyon at pagtatatrabaho ng pamahalaang lokal ng Kapangan sa pamamagitan ng pamumuno ni Mayor Manny Ediong Fermin, Vice Mayor Mayo Eslay, ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan at ng mga opisyal ng barangay.

    Ang natamo ng munisipyo ay kanilang ibinabahagi sa kanilang kababayan sa pagtatayo ng maunlad na kapangan. Ito’y nagpapakita ng katatagan at maayos na pagpapatupad ng batas at sa kooperasyon ng kumunidad. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Benguet)

    Leave a Reply