Baguio City: Tatlong katao patay at ilang sugutan sa nangyaring aksidente sa kahabaan ng Marcos highway- Benguet

    0
    30
    (Credit to Pio Baguio)

     

    (Baguio City) Tatlong katao ang namatay at ilang katao din ang nasugatan sa nangyaring aksidente ng sasakyan sa kahabaan ng Marcos Highway Benguet noon Marso 9, 2025 alas kuatro ng madaling araw. Nang malaman ng otoridad ang insidente, agad nagpadala ng tauhan ang  Emergency Medical Service (EMS) ng  City Health Services Office (CHSO) at ng  City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lugar na pinangyarihan ng sakuna.  Ayon sa ulat, ang naaksidenteng sasakyan ay isang van na may lulan na 24 na pasahero kasama dito ang driver na may edad mula 5 taong gulang hangang 66 na taong gulang na diumano ay bumangga. Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng dalawang katao at ang iba pang nadisgrasya, karamihan sa mga ito ay nagtamo ng pinsala sa binti at dinala sa pinakamalapit na ospital para sa agarang panggagamot.   Nang malaman ng otoridad ang insidente, agad nagpadala ng tauhan ang  Emergency Medical Service (EMS) ng  City Health Services Office (CHSO) at ng  City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lugar na pinangyarihan ng sakuna.  Tumulong din ang  Tuba Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, the Bureau of Fire Protection at  911 on Call sa pagtugon sa naturang aksidente. Inaalam pa ng otoridad kung ano ang sanhi ng sakuna.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Tuba, Benguet)

          30 –

     

    Leave a Reply