(Baguio City-Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet) Matagumpay na isinagawa ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang panunog ng tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP160,000.00 sa isinagawang marijuana eradication operation sa munisipyo ng Kibungan, Benguet noong Araw ng Sabado Pebrero a 8 ng taong ito. Ayon sa Regional Operations Division ng PRO CAR, Dalawang lugar ng pinagtataniman ng Marijuana ang natamnan ng 800 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na nagkakahalaga ng PhP160,000.00 ang natuklasan sa Sitio Aloling, Brgy. Tacadang, Kibungan. Samantala, patuloy ang pagiimbestiga ng kinauukulan upang makilala ang nagtanim ng ipinagbabawal na pananim at matukoy ang iba pang taniman ng Marijuana sa kalapit na lugar doon. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PRO-CAR)
– 30 –
