Baguio City: Pagpailaw sa Christmas Tree sa Presidential Mansion pinangunahan ng first Lady Liza Marcos

0
5
(Credit to PIA Cordillera)

 

(Baguio City) Pinangunahan ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos ang seremonya ng pagpapailaw ng Christmas Tree sa  Presidential Mansion dito sa lungsod ng Baguio noong Miercules ng gabi. Siya ay sinamhan ni  Baguio City Mayor Benjamin Magalong, DepEd Secretary Sonny Angara, at ni dating kalihim ng DILG na si Benjamin Abalos. Tinanggap ng unang ginang ang publiko lalong lalo ang mga bata sa Mansion grounds sa kasagsagan ng seremonya naging  hindi malilimutang pangyayari sa lahat ng dumalo.  Nagtapos ito sa pamamagitan  fireworks display, na nagbadya ng kauna unahang seremonya sa  pagpapailaw ng Christmas sa Mansion house na buksan sa publiko. Ang  Christmas Tree ay mananatiling nakadisplay, upang tignan ng mga taga Baguio at maging ng mga turista na bumibisita sa Mansion House hangang sa Bagong Taon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIA Cordillera)

      30 –

 

Leave a Reply