(Baguio City) Si Dr. Cella for Brinllates na nagpahiwatig sa publiko ang kahalagahan ng pagsusuot ng makapal na jacket upang manatiling mainit. Kasabay nito ang pag inom ng mainit na tubig upang maiwasan ang tinatawag na cold-related illnesses. Mga kainan binalaan laban sa pagiging pabaya sa panuntunan sa paghahanda ng pagkain. Nagbabala muli sila Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes sa mga kainan at iba pang establisimento na kainan kontra sa hindi pagsunod sa panuntunan sa paghahanda ng pagkain kasunod ng insidente ng food poisoning sa isang kainan noong nakaraang Enero a 5 ng taong it. Nag utos ang naturang alkalde na paigtingin pa ang pagsusubaybay ng mga kainan at maging ng mga nagdadala ng tubig sa pagsunod sa panuntunan sa kaligtasan upang hindi na maulit ang diarrhea o ng acute gastroenteritis na nangyari noong nakaraang taon na dumali sa mahigit na 2,000 katao. As of January 9, 2025, Sinabi ng City Health Services Office na walang diarrhea at iba pang food-borne diseases sa lungsod noong kasagsagan ng kapaskuhan na ipinalalagay na peak season ng mga turista sa lungsod. Ganon pa man, sinabi ng alkalde na ang mga the food handlers ay hindi dapat magpakumpante at manatiling bigilante sa kanilang isasagawang hakbang sa kaligtasan sa buong taon. Kanyang sinabi na ang insidente ng food poisoning incident na napaulat sa isang restaurant sa Kisad Road noong nakaraang Enero a 8 na isang patunay na ang mga kainan ay dapat maging responsible sa kanilang inihahain sa mga customers nito ng ligtas na pagkain sa lahat ng oras o panahon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)
– 30 –
