(Baguio City) Ito ang ibinahagi ng PDEA-Car At ng DOT –Car sa kanilang isinagawang inspeksyon sa terminal ng bus at van sa Lungsod ng Baguio. Ayon sa PDEA –CAR at DOT-Car, hindi sila binigyan ng pagkakataon na sabihin na kung saan nagtatrabaho ang mga anim na indibidual. Napag alaman na dalawa dito ay mga konduktor ng bus habang ang apat na mga driber ng bus. Sinabi ng DOTr-CAR, at PDEA-CAR, na ang kompanya ng naturang bus o mga namamahala ng mga ito ay magsasagawa ng karampatang hakbang laban sa taong nagpositibo sa paggamit ng druga. Kabilang sa mga hakbang na kanilang isasagawa ay hindi lamang sa pagbawi ng kanilang lisensiya, pagbayad ng multa at suspension sa trabaho. 98 katao kinabibilangan ng bus at van drivers sa Dangwa terminal, mga truck drivers ng Slaughter terminals, at bus conductors ng 4 terminals ang mga sumailalim sa naturang drug test na isinagawa ng DOTr-CAR at ng PDEA-CAR noong ikalawang araw ng Enero ng taong ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
– 30 –