La Trinidad, Benguet – Police General David Peredo Jr., sa kanyang pagbisita sa mga paaralan sa Benguet. Sa kasagsagan ng kanyang pagbisita at nakipag-usap sa mga guro upang talakayin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa panahon ng kanilang pag aaral.
Bilang karagdagan, kanila din na tinalakay kung paano pa mapapaganda ang hakbang pagseguridad para sa mag-aaral na pumapasok at umaalis ng paaralan.
Maliban sa La Trinidad Central School sa Brgy. Poblacion, La Trinidad, binisita din ni Police Brig. General Peredo Jr. ang Benguet National High School sa Wangal, La Trinidad, Benguet din.
Sa kanyang pagbisita nakipag usap din si, PBGEN sa Principal ng Benguet National High School, na si Binibining Bivian Cuh-ing, upang pag-usapan ang kasalukuyang security situation sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Bilang karagdagan, ang Regional Director nakipag-usap sa mga estudyanate at tiniyak na sila ay magkakaroon ng produktibo at ligtas na kapaligran sa pag aaral. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-COR)