Baguio: Benguet PPO nakasunog ng 1,100 piraso ng tanim na marijuana sa Kibungan

0
6
photo courtesy of Benguet PPO

Kibungan, Benguet – Iniulat ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang pagsunog ng mahigit sa 1,100 piraso ng tanim na marijuana sa magkahiwalay na mga anti-illegal drugs operasyon na isinagawa sa munisipyo Kibungan, Benguet noong Lunes Mayo a 20, 2024.

Ang magkatuwang na pangkat ng Kibungan MPS, PIU, PDEU, Regional Intelligence Division-PRO Cordillera at PDEA-CAR ang nagsagawa ng marijuana eradication operation sa Brgy. Tacadang na naging sanhi nang pagkakadiskubre ng Marijuana plantation site natamnan ng 1,100 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Ang lahat ng mga tanim na Marijuana ay binunot at sinunog sa mismong lugar at ilang sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit- Cordillera.

Habang ang ibang mga operatiba ay patuloy pa sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang makilala at mahuli ang mga nasa likod nito. (Jimmy Bernabe |Joel Cervantes)

(Source: Benguet PPO)

Leave a Reply